ang mga pinopost ko sa aking blog ay ang mga bagay na nakikita ko sa lipunan at sa tao.
Biyernes, Setyembre 16, 2011
Trashtalk
Karamihan sa mga tao ngayon ay alam ang salitang trashtalk.Ang trashtalk ay isang pamamaraan na hindi maganda o hindi gawain ng normal na tao.Puwede kang makasira ng damdamin sa oras na mapasobra ka ng paggamit ng walang kwentang bagay na ito.Kaya nga TRASHtalk eh, Basura! Kaya ako nagtataka kung bakit ang tao ang dalas dalas gamitin tong walang kwentang bagay na ito nakakain pa kaya sila na may laman ang kanilang bungangang trash.Wala namang napapala ang mga taong gumagawa nito hindi ba mapapagod ka lang at mauuhaw sa gawain na ito na hindi normal.Kaya minsan nauuwi ito sa demandahan,away,gulo at ang malala pa ay patayan.Hay naku mga tao nga naman.Eh kahit naman ubusin mo ang laway mo kakatrashtalk sa taong iyan may magbabago ba?!Kung subukan mo kayang kausapin ng maaayos at pakisamahan ng mabuti oh edi mas maganda tignan. Hindi yung mumurahin mo pagsasalitaan mo ng salitang basura,Parang lumalabas ikaw lang ang anak ng Diyos sa tingin mo eh.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento