Powered By Blogger

Biyernes, Setyembre 16, 2011

Pambansang Laro: DotA

Maraming kabataan na kalalakihan na nahuhumaling sa larong "Defense of the Ancients" o DotA ay sinasabing ito na daw ang uso at pinakasikat na laro dito sa Pilipinas o kahit sa ibang bansa. Ang DotA ay isang laro kung saan ang iyong gagawin o goal mo ay makakuha lamang ng maraming pera o gold kung tawagin nila upang ikaw ay makabili ng mga armas na kailangan mo upang lumakas ka at matalo mo ang iyong kalaban.Medyo komplikado ang laro na ito para sa mga baguhan pa lamang maglalaro nito pero kapag ikaw ay nasa tatlo o anim na buwan na naglalaro ng DotA sapat na daw ito upang ikaw ay gumaling sa DotA.Mayroon pa nga daw tayong grupo dito sa Pilipinas na lumalaban ng DotA sa iba't ibang bansa sila ay tinatawag na "Mineski or Happyfeet" sila daw ang pinakamagaling sabi ng DotA players dito sa Pilipinas.At marami pang sumunod na grupo or "clan" kung tawagin ang nabuo para lang maglaro ng DotA.
Pero ang DotA nga ba ay kinoconsider na ba na pambansang laro ng mga kabataan ngayon? Kahit saan ka magpunta ngayon na computer shop may nagdodota or gusto mo magtanong ka na lang ito ang laging tanong ng mga kabataang kalalakihan: "Nagdodota ka ba?" gasgas na salita pero paulit ulit lang nilang tinatanong at sinasagot.Ang sabi pa nga daw nila nakakahasa pa daw ng utak ang DotA... siguro depende kasi marami na akong nakilalang bumagsak o bumaba ang kanilang grado o marka sa kanilang pag aaral dahil daw sa DotA.Ang iba pa nga ay ginagawa pa itong pustahan may limang players sa isang grupo at lalabanan naman nila ang isa pang limang players kung sino ang manalo sa laban sila ay mag uuwi ng kanilang dobleng itinaya.Kaya karamihan daw ng estudyante nagkacutting na lang upang gawin itong gawaing ito, Sadyang nakakalungkot.Kahit ako aaminin ko naglalaro ako ng DotA pero hindi naman ako yung magaling na manlalaro pero nananalo naman minsan.Pero ngayon pinipilit kong huwag maadik sa DotA dahil alam kong ito lang makakapagpababa ng aking grado at nakakapanghina din ito ng katawan.Kaysa magdota ka maghapon mag ehersisyo ka na lang at mag aral hahangaan ka pa ng mga DotA players kahit napakagaling pa nila. Salamat!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento