ang mga pinopost ko sa aking blog ay ang mga bagay na nakikita ko sa lipunan at sa tao.
Martes, Setyembre 20, 2011
Mag Review ka kahit kunwari
Panahon nanaman ng exams, kapag dumarating ang araw na ito anu ang mga pinagagagawa mo? Hmmmpf... Siguro kung may top ka sa klase makakaya mong tiisin ang nakakaboring at nakakapatay ng brain cells na pagrereview na yan.Kung easy go lucky ka naman syempre para sa iyo baliwala lang ang araw ng exams siguro pa nga pa text text ka lang or GM pa gusto mo,kain lang ng kain kahit brain mo walang makain para sa exams,tulog,laro ng favorite mong laro or lakwatsa,Ang sarap ng buhay ng estudyante ng ganito eh no? haha, Pero tignan mo sa bigayan ng exams pinakamataas 80% AW! tapos ganito pa sasabihin niyan sa iyo "Patay ako sa magulang ko nito" hahaha!!! Dapat ka lang managot pinakakain ka, pinatitira ka sa bahay na matino,pinag aaral ka at binibigay kung anu gusto mo saka kailangan mo, Tapos ano? puro 70% ang iuuwi mong average,Tawag pa nga ng matatanda dyan palakol eh hahaha, Puro pangsibak ng kahoy eh noh? haha!Kaya if I were you gagaya na lang ako sa top kahit mag Reviewng kunwari lang gagawin ko para kahit konti may papasok naman sa kokote ko. Goodluck!
Biyernes, Setyembre 16, 2011
Trashtalk
Karamihan sa mga tao ngayon ay alam ang salitang trashtalk.Ang trashtalk ay isang pamamaraan na hindi maganda o hindi gawain ng normal na tao.Puwede kang makasira ng damdamin sa oras na mapasobra ka ng paggamit ng walang kwentang bagay na ito.Kaya nga TRASHtalk eh, Basura! Kaya ako nagtataka kung bakit ang tao ang dalas dalas gamitin tong walang kwentang bagay na ito nakakain pa kaya sila na may laman ang kanilang bungangang trash.Wala namang napapala ang mga taong gumagawa nito hindi ba mapapagod ka lang at mauuhaw sa gawain na ito na hindi normal.Kaya minsan nauuwi ito sa demandahan,away,gulo at ang malala pa ay patayan.Hay naku mga tao nga naman.Eh kahit naman ubusin mo ang laway mo kakatrashtalk sa taong iyan may magbabago ba?!Kung subukan mo kayang kausapin ng maaayos at pakisamahan ng mabuti oh edi mas maganda tignan. Hindi yung mumurahin mo pagsasalitaan mo ng salitang basura,Parang lumalabas ikaw lang ang anak ng Diyos sa tingin mo eh.
College Schools or Universities: Sikat ba yung gusto mo or yung tama lang sa budget mo?
"Saan ka mag aaral?".Tanong ng mga kaklase mo nung graduating students kayo noong high school pa kayo,Karanwang sagot naman ng mga tinatanong ay ganito "Hindi ko pa alam kung saan eh" o hindi kaya ganito "Balak ko mag UPCAT eh" ayan ang karamihang sagot ng mga tinatanong. Ang tanong dito ang gusto mo lang bang pag aralan eh yung sikat at dahil maraming madadaling course o yung gusto mo eh yung tama lang sa budget mo na kung saan matuto ka na makakapasa ka pa sa kurso mong pinili.Decide ka kung anung course mo talagang gusto para hindi ka shift ng shift sa iba.Hindi yung pati sa pagpili ng paaralan ginawa mo din pagwapuhan at pagandahan.
Pambansang Laro: DotA
Maraming kabataan na kalalakihan na nahuhumaling sa larong "Defense of the Ancients" o DotA ay sinasabing ito na daw ang uso at pinakasikat na laro dito sa Pilipinas o kahit sa ibang bansa. Ang DotA ay isang laro kung saan ang iyong gagawin o goal mo ay makakuha lamang ng maraming pera o gold kung tawagin nila upang ikaw ay makabili ng mga armas na kailangan mo upang lumakas ka at matalo mo ang iyong kalaban.Medyo komplikado ang laro na ito para sa mga baguhan pa lamang maglalaro nito pero kapag ikaw ay nasa tatlo o anim na buwan na naglalaro ng DotA sapat na daw ito upang ikaw ay gumaling sa DotA.Mayroon pa nga daw tayong grupo dito sa Pilipinas na lumalaban ng DotA sa iba't ibang bansa sila ay tinatawag na "Mineski or Happyfeet" sila daw ang pinakamagaling sabi ng DotA players dito sa Pilipinas.At marami pang sumunod na grupo or "clan" kung tawagin ang nabuo para lang maglaro ng DotA.
Pero ang DotA nga ba ay kinoconsider na ba na pambansang laro ng mga kabataan ngayon? Kahit saan ka magpunta ngayon na computer shop may nagdodota or gusto mo magtanong ka na lang ito ang laging tanong ng mga kabataang kalalakihan: "Nagdodota ka ba?" gasgas na salita pero paulit ulit lang nilang tinatanong at sinasagot.Ang sabi pa nga daw nila nakakahasa pa daw ng utak ang DotA... siguro depende kasi marami na akong nakilalang bumagsak o bumaba ang kanilang grado o marka sa kanilang pag aaral dahil daw sa DotA.Ang iba pa nga ay ginagawa pa itong pustahan may limang players sa isang grupo at lalabanan naman nila ang isa pang limang players kung sino ang manalo sa laban sila ay mag uuwi ng kanilang dobleng itinaya.Kaya karamihan daw ng estudyante nagkacutting na lang upang gawin itong gawaing ito, Sadyang nakakalungkot.Kahit ako aaminin ko naglalaro ako ng DotA pero hindi naman ako yung magaling na manlalaro pero nananalo naman minsan.Pero ngayon pinipilit kong huwag maadik sa DotA dahil alam kong ito lang makakapagpababa ng aking grado at nakakapanghina din ito ng katawan.Kaysa magdota ka maghapon mag ehersisyo ka na lang at mag aral hahangaan ka pa ng mga DotA players kahit napakagaling pa nila. Salamat!

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)